PRUE HALLIWEL ::: OBSERVER OF LIFE

i don't want to get to the end of my life and find that i have just lived the length of it... i want to also have lived the width of it as well... smiling when the sun rises... dreaming until the sun hides... but for now, i'm letting go... and this goodbye isn't just a new start... it confirms my submission to waiting... while searching...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

PRUE SAYS...

Photobucket

Saturday, December 15, 2007

lintik na lastik...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

oh well, i was suppose to let go of it na lang... hindi ko na sana iblo-blog dahil napatawad ko naman na siya pero habang nagpapalipat-lipat ng channel sa tv ang staff, we chanced upon Lastikman... and bingo... ang eksenang tumatakbo ay ang eksenang kinabwisitan ko two saturdays ago... and so, i was reminded... bumalik inis ko... hahaha!

eh paano ba naman kasi... sabado na nga lang ako bumabawi sa tulog at pahinga mula sa mapang-abuso kong work, sukat akalain ba namang sabado pa nila naisipang mag-taping sa harap na harap ng condo... buti sana kung tuktok kami ng building... eh daaaaaay... 2nd floor lang kaya...


9am pa lang ng umaga, akala ko 4pm na kasi ang sigla sigla ng mga tao... malakas ang hiyawan at mga batang parang tuwang-tuwa... eh di gising naman ako keseng ang bigat pa ng mata ko... pagsilip ko sa bintana.... naaaaaakuuuuu... ang hinayupak na si vhong navarro pala ang nasa labas at naka-suot ng seksing seksing spandex ata yun in his all so bulging muscles and basket...


at pagtingin ko sa relos, shet... 9:30 am pa lang... hindi na ako nakatulog ulit dahil potah, ang lakas ng mga sigaw ng talents... ang ingay ng unit director at ng mga legman... everytime ko maririnig ang 'camera rolling', gusto ko silang batuhin...

anyways, wala akong magagawa... so sige nanuod na lang ako from the window... like as if hindi pa ako mula sa istasyong producer ng bwiset na lastikman... as if i am still awed... eh buong buhay ko nga ata, ito na ginagawa ko... kaya halos hindi ko mapatawad na hanggang sa pagpahinga ko, hinahabol ako ng mga ganitong eksena...


by the way, i think i failed to mention... hindi pala si vhong navarro ang naka-costume na Lastikman... nahalata ko lang kasi aba... hello... patpatin si vhong kaya... eh yung naka-costume, medyo buffed... at lalong impossible na ganuon ka-endowed ang kanyang... ah basta... besides, halata naman talaga... notice it kapag wide shots tapos nagdedeliver ng line si lastikman... dinadaya lang 'yan ng tight shots or close-ups sa mukha ni vhong... insert cutaways as we call it...


hahaha! sorry piper... i know you love vhong... hehehe!

nakaganti na rin ako sa wakas sa pambubulabog nila sa tulog ko... bwehehehe!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

My photo
My life is not extra-ordinary but it has stories to tell...

THESE ARE THE MOMENTS!!!