PRUE HALLIWEL ::: OBSERVER OF LIFE

i don't want to get to the end of my life and find that i have just lived the length of it... i want to also have lived the width of it as well... smiling when the sun rises... dreaming until the sun hides... but for now, i'm letting go... and this goodbye isn't just a new start... it confirms my submission to waiting... while searching...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

PRUE SAYS...

Photobucket

Thursday, June 12, 2008

more tanong on life...

SANMIG LIGHT: kelan kaya natin matatagpuan ang nirvana? sana un lang yung cd na nabibili sa tower records... para lahat tayo masaya ngayon... fulfilled... frantic n so much bliss... kaso hindi, y? lahat tayo nabubuhay sa totoong mundo, daigdig kung saan hindi natin alam ano ba purpose natin at ano ba talaga ang dahilan kung bakit tayo nandito... gayong hindi natin alam what the meaning of life talaga... we're free pero nakakuling tayo sa sarili natin...

***

ang sagot ko... ang nirvana nasa batangas... nasa bohol... nasa mindoro... nasa palawan... nasa cagbalete... malayo sa kung nasaan ako ngayon...

gusto kong marinig ang bulong ng dagat... gusto kong payakap sa ihip ng hangin... gusto kong magpakalunod sa katahimikan ng isla... gusto kong dampian ng alon ang aking mga paa... gusto kong humimlay sa buhangin...

maaring mag-isa... pero mas gusto kong may naka-akay sa akin kundi man nakahawak din sa aking mga kamay... inaalayan... walang salita... tanging ngiti at gawa... ipina-a-alam sa akin na kahit anong mangyari... hindi ako tatandang malungkot... dahil hindi niya ako iiwan... umulan man o umaraw... bagyuhin man kami... dapuan man ako ng karamdaman... pumuti man ang lahat ng buhok ko... kumulubot man ang taba ko... lumaylay man ang balat ko... sa hirap at ginhawa... sabay kaming gigising para salubungin ang pagsikat ni haring araw... nagyayabang sa mundo... hindi niyo kami kayang paghiwalayin... hanggang kamatayan... hanggang sa kabilang buhay... pag-iisahin kami ng aming pag-ibig...

siya nawa...

at ako ngayo'y umiiyak...

papatayin ko ang nagtext nun sa akin...

salamat... sa gitna ng pangangarag ko, pinaiyak mo pa ako...

yosi muna...

wala ako sa mood mag-english... walang naidulot na maganda sa akin ang english...

My photo
My life is not extra-ordinary but it has stories to tell...

THESE ARE THE MOMENTS!!!