ewan ko sa universe ha... parang nanunukso... parang hindi pa makuntento na lugmok na ako ngayon... sa trabaho, pag-ibig at buhay...
kundi ba naman nang-iinis... pagtayo ko sa upuan... pagkatapos kong magpahid ng luha...nagtext si cosmic-ex...
ang message? isang napaka-madamdaming... MUSTA?
kumusta ba? tanong mo sa lelang mong panot!!!
wala akong ganang sayangin ang piso ko sa pangangamusta mo? bakit nung kasama mo yung babaeng pangit magdala ng damit, hindi mo ako kinamusta...
sige na... bibitiw na ako sa blog na ito...
may kailangan pa akong gawin...
si love-from-a-distance, may hininging pabor... nagtext pa nga kanina para hindi ko makalimutan...
soco ha!!!
opo... eto na... basta para sa iyo poks... anything... wag mo lang ako makalimutan...
P.S.
pathetic... super pathetic ka prue... dapat hindi prudence ang palayaw mo eh.... dapat, ang nick mo, PAT... O kaya PATTY... short for PATHETIC!!! EWAN!
glennala shared an Instagram photo with you
-
Hi there, glennala just shared an Instagram photo with you. Visit the
following link to see it:
http://distilleryimage0.ak.instagram.com/048d6e70a4a711e2bc...
11 years ago
|