baka gusto niyong makiramay sa akin... kasi... poooooooooooottttaaaahhhhhh!!!
aaaaaaaarrrrraaaay!!! namatayan ako ng kuuukoooooo... at mula sa pagudpud hanggang dito sa manila, kumikirot pa rin siya... i stopped taking dolfenal for the pain for belief na hindi na siya sasakit but no... ang kiiirrroooot ng laman... i did continue taking amoxicillin though...
patawad.... alam ko gross... pero shiiiiiiiiittt talaga... akala ko kasi hindi siya namatay... it didn't really turn black... just gray... but very off the usual pinkish toenails... oh well, i don't actually know if it's suppose to turn black kaagad or kung talagang after a period of time pa... really at that time, i don't even know kung patay nga ba yung nail ko or na-trauma lang... first time eh... at hindi siya masarap na feeling ha para sa first time... potah naman talaga po... gaaaahd!!!
sige... go... takbo sa shore... sige harutan daw sa pampang... ayun, as if naman napaka-flexi ko at napakataas ng angat ng paa ko kapag humahakbang eh halos hilahin ko nga lang ang paa ko lalo pa't masakit na sa kakatakbo...
i tripped over a small bato... actually hindi maliit, malaki... nakabaon lang kaya may nakausli... ang kasamaang palad, yung 2nd daliri (katabi ng hinlalaki... don't know what's it called...) ko sa kanang paa ang pinaka-nasabit... next thing i know, i was already dancing 'skip to my loo' dahil sa sobrang sakit... and whoa, pagtingin ko sa daliri ko sa paa, pakiramdam ko nawalan din ako ng dugo sa ulo...
gray na gray na ang kuko ko at namamaga ang daliri... don't worry... i have no plans of posting pics ng na-trauma kong toe... hahaha... oa na... super gross.... but i did take pictures for a lasting remembrance of my pagudpud kagagahan...
Oh God... Lord... please... please please please talaga... please let the new nail grow back kaagad... i love sandals... i've collected flip flops even... you know naman na bihirang bihira ko isuot ang aking mga sapatos at rubber shoes... sandals guy ako di ba... flip flops here and there even in the office...
unless gusto mo akong magpa-bazarre ng sapin sa paa...
sheeeeeeet talaga... until now, hindi naman siya nangingitim but i was really anxious to find out bakit siya kumikirot... so medyo kinuha ko si nipper... silip lang... Diyos ko po... naka-angat na pala si kuko ko... kaya naman pala gray na kasi hindi na siya nakadikit sa laman... hello... may logic naman ako... obviously, if it's the case, wala ng buhay si kuko ko... hindi pa lang nangingitim but surely, it's dying na...
God naman eh... ikaw naman eh... tatapikin mo lang ako, ganito pa... sana naman God binatukan mo na lang ako... kinurot sa singit... o kaya piningot sa tenga... did you really just want to call my attention... warn me of some sort... bait naman ako dun sa pagudpud ah... Godm ang pait nito ha, masaklap... napakasakit na pangyayari... natatawa na lang ako ha... ikaw God ha, you really always have a way of calling my attention... kapag gusto mo akong pagalitan o pagsabihan... naman eh... patay na kuko talaga ang binigay mo sa akin...
alam ko na kung bakit... sabi ni doc, 2 months after pa mamatay ang ugat... by then, pwde na bunutin... and then another two months for the new nail to fully grow back and replace the old... so malamang mga 4-5 months... waaaaaaaaaaahhh!!!
God ha... madali ba akong makalimot sa mga pangaral mo, hindi naman ah... talagang paaalalahanan mo ako ng paaalalahanan through my patay na kuko na... para sa tuwing makikita ko siya, i'll be reminded to behave... hmp! i was mabait... just that i gave my heart away again... was it really that bad?
God ha... serious ako.. nagpapanic ako... patay na kuko ito noh... naman eh... naiiyak ako talaga... at talagang kung kelan pa ako babalik na sa work saka pa... waaaaaah... mukha tuloy akong timang dito sa blog...
nabaliw dahil sa patay na kuko... mas maganda ata kung... hmmm... nagbigti ng dahil sa patay na kuko... hindi nakayanan ang lungkot na idinulot ng patay na kuko kaya sinabayan na sa libing ang patay na kuko... waaaaaaaah...
imbes tuloy na bugshots ng magandang paraiso at pag-ibig ang pinopost ni prue, hindi ko mapaghandaan... hindi ko ma-upload pa sa iphoto... eh kasi dalawang araw na akong nakatitig sa kanang paa ko... hoping na maaawa siya sa akin at bubuhayin niya si kuko...
pero wala... kailangan ko nang isuko ang pag-asa ko... coz dear friends, ive already cut part of it... to let it breathe... the rest of it will have to wait when the roots have dried as well... until then, my almost 25 pairs of sandals of sandals and flip flops ay pagpapahingahin ko muna...
haaaaaaaaay nakuuuuuu!!!
P.S.
lessons learned...
1. bawal talaga ata ang masyadong masaya... may kapalit... in my case, buhay nga ang puso ko, namatay naman ang kuko ko...
2. kapag medyo lampa at tanga at hindi naman talaga agile, wag nang makipaghabulan sa kaulayaw... marami namang pwedeng lambingan... pwede namang nakinig na lang ng kantang "moonlight kiss" sa ipod habang hinihintay si sunset at humindig sa balikat eh... (eh kasi naman, nagawa na namin yun... hihihihi!)
3. naaaaakuu naman... at ngayon ko lang narealize, lagi ko naman bitbit ang aking speedo footwear kapag out of town ako lalo pa't beach dahil nga nag-iingat ako sa masakit na bato at para secured talaga ang paa ko from anything and everything... at dala ko siya sa pagudpud ha... bakit naman hindi ko siya naisuot ng mga oras na iyon... kung kailan naman talaga ako magtatakbo... naku naman... ok ok ok, mabuhay lang si kuko ulit... sinusumpa ko, never na akong pupunta sa shore ng hindi yun ang suot ko... super trauma na talaga... napakatanga ko...
haaaaaaay nakuuuuuu... na-stress ako bigla... will go to the parlor now... after all, tipid na ako sa pedicure... kulang na ako ng isang kuko... discounted na dapat... puuuuuuunnnyyeeeeeetttttaaaaaaa!!! hahahahaha!
glennala shared an Instagram photo with you
-
Hi there, glennala just shared an Instagram photo with you. Visit the
following link to see it:
http://distilleryimage0.ak.instagram.com/048d6e70a4a711e2bc...
11 years ago
|